SANAA (AFP)— Isang malakas na suicide bombing ang gumimbal sa Yemeni capital noong Huwebes, na ikinamatay ng 47 katao, matapos ang ilang linggo ng political deadlock.

Dose-dosena ang nasugatan sa atake sa Al-Tahrir square ng Sanaa, na pumuntirya sa pagtitipon ng mga tagasuporta ng mga rebeldeng Shiite na lumusob sa kabisera noong nakaraang buwan.

Sa isang hiwalay na suicide attack, 20 sundalo ang namatay sa timog silangan ng Yemen sa car bombing na pinaghihinalaang kagagawan ng Al-Qaeda.
Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar