UPANG magampanan nang maayos ang karakter, nagpakalbo si Toni Collette bilang pagahahanda sa pinakabagong pelikula na pagbibidahan niya, ang Miss You Already.

Gaganap si Collette bilang babaeng may kanser sa kanyang dibdib at dahil dito ay unti-unting nalalagas ng buhok habang ginagamot.

Nakatakdang ipapalabas sa susunod na taon, itatampok sa Miss You Already ang kahalagahan ng tunay na kaibigan.

Kaugnay nito, masaya naman ang aktres sa kanyang ginawang sakripisyo upang magustuhan ng mga manonood ang nasabing pelikula. - Yahoo News/Celebrity
National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20