Piolo Pascual

SA presscon ng Sunpiology Fun Run na gaganapin sa November 15 sa Bonifacio Global City, binigyang-diin ni Piolo Pascual na kung siya lang ang masusunod ay gusto niyang makapagtapos muna ng pag-aaral ang anak niyang si Iñigo bago nito pasukin ang showbiz.

Pero wala siyang magagawa at hindi niya kayang pigilan ang pangarap ng anak na sundan ang mga yapak niya sa entertainment industry.

“Kung ako lang talaga, gusto ko siyang mag-aral muna. Pero gusto na niya talagang mag-showbiz,” banggit ni Papa P sa launching ng bagong edition ng Sunpiology, ang annual charity event ng kanyang iniendorsong Sun Life Insurance na earlier this year ay kasama na rin niya bilang endoser ang unico hijo niya.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Bukod sa pagiging endorser, may nagawa nang pelikula si Inigo at nakapag-perform na rin sa ASAP, kaya tuluyan na rin nitong napapasok ang mundong ginagalawan ng ama.

Samantala, kampante at hindi na palaiwas si Piolo na pag-usapan ang mga isyu na never niyang kinomentuhan noon. Kinumpirma niya ang sinabi ng kanyang kapatid na si Chiqui Gonzales sa special report ng E! News Asia na sumailalim sa DNA test si Iñigo noon.

“Huwag na nating pag-usapan pa. I don’t wanna build up the issue,” paiwas na sabi ni Piolo, at idinugtong na hindi niya alam na magsasalita ang kapatid tungkol sa naturang isyu.

“Hindi ko alam na my sister talked about it sa E! News Asia, at kasama ko ‘yung anak ko noon. Pero siyempre, he’s my own blood,” sey pa rin ng actor.

Sinagot din ni Piolo ang tanong kung napaghandaan na niya ang kanyang last will and testament.

“I’m working on it,” kampanteng sagot ng sikat na actor.

Nabanggit din ng bida ng Hawak Kamay na ang main beneficiary niya ay ang kanyang ina.

“Unahan kami ng nanay ko kung sino ang mauna sa amin. Kapag siya, e, di papalitan ko,” lahad ng actor.

Pero pagdating naman sa anak, tiniyak ni Piolo na si Iñigo lang ang nakalistang beneficiary. Paano kung may iba pang lumabas na anak din niya?

“DNA lang ang katapat nu’n. Ano ‘yon, ganu’n-ganu’n lang?” napatawang sagot ni Piolo.

Sinagot na rin sa wakas ni Piolo ang madalas itanong sa kanya ng reporters noon pa tungkol sa naging interbyu sa dating kasintahang si KC Concepcion na bumulatlat sa naging break up nila.

“I felt bad for her because she didn’t have to resort to that. I still love her, you know, with all my heart, but it’s just something that she did that I wish she didn’t do,” tugon ng actor.

Anyway, gaganapin ang Sunpiology Fun Run sa November 15, Sabado, 3:00 PM, sa Bonifacio Global City, with 500m dash (Php 350), 3k (Php 700), 5k (Php 800), and 10k (Php 900) distances.

Bukod kay Piolo, inaasahang dadagsain ito ng mga artistang kasama ni Piolo sa Star Magic.