Pinasok at pinagnakawan kahapon ng anim na lalaki, na nagpakilalang kasapi ng New People’s Army (NPA), ang bahay ni Vice Mayor Willie Taglucop sa Carmen, Agusan del Norte.

Sa imbestigasyon ng Agusan del Norte Police Provincial Office, sinabi ni Taglucop na mga armas ang sadya ng mga rebelde.

Naghalughog umano ang mga rebelde sa buong bahay ng bise alkalde at nang walang nakitang armas ay tinangay na lang umano ang laptop computer, tatlong cell phone at handheld radio.

Tinatayang nasa edad 20 pataas ang mga suspek.
Eleksyon

COC Filing Day 5: Mga naghain ng kandidatura ngayong Oktubre 5