ZAMBOANGA CITY – Dinakip ng mga anti-drugs agent ng pulisya ang isang sinasabing drug pusher at nakumpiska mula rito ang P100,000 halaga ng shabu at dalawang baril sa buy-bust operation sa Aquino Drive sa Baliwasan Grande sa lungsod na ito.

Kinilala ng pulisya ang suspek na si Julli Andah, 40, na nagbenta ng P600 halaga ng shabu sa isang police undercover agent.

Ayon sa pulisya, nasamsam mula kay Andah ang apat na malalaking plastic sachet na may puting substance na hinihinalang shabu, isang .9mm pistol, isang .38 caliber revolver, isang Samsung cell phone, isang timbangan, ang P600 marked money at iba pang drug paraphernalia.

Pinangunahan nina Senior Insp. Elmer Solon at Senior Insp. Arlan Delumpines ang anti-drug operation, sa ilalim ng superbisyon ni Supt. Alan Nazarro, hepe ng Zamboanga City Police Station 11. - Nonoy E. Lacson
National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20