Nagpatupad ng oil price rollback ang mga kumpanya ng langis sa bansa ngayong Martes ng madaling araw.

Epektibo ng 12:01 kaninang madaling araw nang tapyasan ng Petron ng 35 sentimos ang presyo ng kada litro ng diesel at kerosene habang 15 sentimos naman ang binawas sa gasolina.

Agad na sumunod sa bawaspresyo ang Phoenix Petroleum sa parehong halaga sa diesel at gasolina, epektibo dakong 6:00 ng umaga.

Linggo nang unang nagpatupad ng rollback ang Flying V, nagbawas ng 20 sentimos sa diesel at gasoline, at 10 sentimos sa kerosene.

National

Grupo ng simbahan, suportado panawagang imbestigahan ng ICC ang War on Drugs: 'Let justice be served'

Ang bagong bawas-presyo sa petrolyo ay bunsod ng pagbaba ng presyuhan ng langis sa pandaigdigang merkado.

Samantala, dismayado ang mga driver at operator na kasapi ng Pinag-Isang Samahan ng Tsuper at Operator Nationwide (PISTON) dahil baryabarya lang umano ang ipinatupad na rollback sa petrolyo.

Humihirit ang PISTON sa mga kumpanya na ibaba ang diesel sa P37, gayundin ang gasolina sa P42 sa buong bansa.