STA. ROSA CITY, Laguna – Isang lalaking pinaghahanap sa mga kaso ng ilegal na droga ang napatay sa engkuwentro sa mga pulis sa Barangay Pooc sa lungsod na ito noong Oktubre 3.

Kinilala ni Supt. Pergentino Malabed, hepe ng Sta. Rosa City Police, ang napatay na si Ramiro Ramos, na hindi na umabot nang buhay sa Sta. Rosa Community Hospital.

Batay sa report kay Laguna Police Provincial Office (PPO) director Senior Supt. Florendo Saligao, ihahain sana ang arrest warrant laban kay Ramos sa Daang NIA sa Barangay Pooc nang mangyari ang engkuwentro bandang 1:30 ng hapon noong Biyernes. - Ferdinand F. Castro
Eleksyon

Bilang ng mga Gen Z voters malaking porsyento nga ba sa eleksyon?