PANGANAY ni Gary Valenciano, solo recording artist na rin. Yes, si Paolo Valenciano, if you care to know, ay may solo album na sa Star Records titled Silence/Noise, isang alternative rock album na naglalaman ng anim na awitin na ayon mismo kay Paolo ay mistulang kuwento ng kanyang buhay.
Ay, parang si Ako, halos lahat ng script kong sinulat ay patsa-patsang hango sa tunay na kuwento ng aking love life, chos!
“Pagdating sa musical skills, normal lang po ang ibibigay kong ratings sa sarili ko pero kung meron man po akong maipagmamalaki bilang recording artist, ito ay ang ideas ko na nagagamit ko hindi lang sa pagsusulat ng kanta kundi maging sa konsepto ng aking music video,” kuwento ng 30 years old na musician turned concert director at frontman ng rock band na Salamin nang ilunsad ang album niya last week.
Inamin din ni Paolo na sa pagdidirek ng concerts siya mas well compensated.
Nang tanungin kung papasukin na rin ba niya ang pag-arte, prangka ang sagot niya na hindi niya talaga keri ang pag-aartista. Noon daw ay inalok na siya upang ipareha kay Heart Evangelista pero hindi natuloy, kaya ang role na inilaan para sa kanya ay napunta kay John Pratts.
As a singer, ibang-iba ang atake niya kumpara sa kanyang amang si Gary V. Dahil tipong may pagkahalimaw daw siya sa stage when performing, kaya lang ‘yung mga kinanta niya sa album launch ay tipong pulos malulungkot, ang mga awitin na galing mismo sa kanyang album. Eh, may konek siguro sa word na “silence,” ‘yun na!
“My music is for my music fans and music enthusiasts. Kung masakyan siya ng masa, bonus na ‘yon. Rock music pa din siya pero more on easy listening inspired by ‘yung mga influences ko—’yung Rivermaya during the Rico Blanco days, Up Dharma Down.
“As a recording artist, I give myself a normal rating in terms of musical skill and artistry. But what I lack in talent I make up for with vision. When I work on the first few lyrics of the song, I already picture the last scene of the music video. My ideas are what keep me going.”
Songs included in Paolo’s album are Tag-ulan, Pangako, Hanggang Kailan Maghihintay, Parusa, Kislap, at ang carrier single titled Muling Magbabalik. Available na ang album niya sa record bars nationwide.