Oktubre 6, 1985 nang sumiklab ang serye ng rambulan sa Broadwater Farm Housing Estate sa Tottenham, North London sa United Kingdom.

Sumiklab ang gulo kasunod ng pagkamatay ni Cynthia Jarrett, residente sa Tottenham na inatake sa puso makaraang salakayin ng pulisya ang kanyang bahay.

Aabot sa 500 pulis na armado ng helmet at truncheon ang ipinakalat laban sa mga kilos-protesta nang daan-daang kabataan ang dumagsa sa mga lansangan.

Isang pulis ang napaulat na napatay habang isa pa ang nasugatan sa pamamaril.

Marcoleta, pinigilang magtanong tungkol sa proposed ₱6.352-trillion 2025 nat'l budget