Kylie & Rayver

KADALASAN kapag may pelikulang ipo-promote ang mga artista ay gumagawa ng gimik para mapag-usapan sila.

Kaya sa one-on-one interview namin kay Kylie Padilla tungkol sa leading man niyang si Rayver Cruz sa horror movie na Dilim under Regal Films sa direksiyon ni Jose Javier Reyes (mapapanood na sa Oktubre 22), tinanong namin siya kung seryoso ang sinabi niyang ‘kinikilig’ siya sa binata.

“Siyempre, totoo po ‘yun, hindi naman ako plastic na tao,” diretsong sagot ng dalaga.

National

De Lima, nag-react sa pahayag ni Espinosa na si Bato nag-utos na idiin siya sa illegal drugs

Sabagay, ever since ay walang nabalitaang echosera ang dalaga ni Robin Padilla, lahat ng lumalabas sa bibig niya ay totoo at galing sa puso niya.

‘Nagparamdam’ na ba si Rayver sa kanya?

“Wala pa po, alam niya po kasing kagagaling ko lang sa break-up, so nirerespeto niya ‘yun at gusto ko rin naman ‘yun. Ayoko rin pong madaliin kung meron man,” sagot ng dalaga.

Inamin ni Kylie na hindi si Rayver ang tipo niyang lalaki.

“Kasi ang type ko talaga is moreno (tulad ni Aljur Abrenica). Pero wala naman po sa itsura ‘yun, sa ugali siguro (type si Rayver).”

Nabanggit niya sa Q and A ng presscon na gusto ni Robin si Rayver.

“Boto po naman, kasi sabi niya mabait,” mabilis na sagot ng dalaga nang i-follow-up namin ang rebelasyon niya.

Natatandaan namin nang tanungin namin si Robin noon sa taping ng To The Max kung boto ba siya kay Aljur, at ang mabilis na sabi ng action star, ‘Paano ka boboto o paano mo magugustuhan ang taong hindi naman humaharap o nakikipag-usap? Ni hindi inaamin ang anak ko!’

Nang panahong iyon kasi ay hindi pa open si Aljur sa relasyon nila ni Kylie dahil may iniingatan siyang ibang ka-loveteam, kaya ‘big word’ para sa amin ang sinabi niyang mabait si Rayver

“Opo, big word nga po, I think si Papa naman ayaw din niyang magkarelasyon ako agad (pagkatapos ng break-up nila ni Aljur), gusto rin naman niya ng pagaling muna, concentrate muna sa work, appreciate muna ‘yung mga blessings. Kaya sa sinabi niyang ‘yun (mabait si Rayver) ay hindi ibig sabihin ay ‘go’,” paliwanag ni Kylie.

Inamin din ni Kylie na okay na sila ng morenong aktor, pero hindi na sila close tulad nang dati.

Inabot ng taon ang relasyon nina Kylie at Aljur pero noong bandang huli na lang naging open ang binata sa relasyon nila. Unang boyfriend at seryosong relasyon ni Kylie si Aljur, naging traumatic ba iyon sa kanya?

“Siguro nu’ng nangyari po, pero unti-unting nawawala na po kasi ang daming blessings talaga. ‘Yan ang sinasabi na may kapalit lahat at doon po ako nagpapasalamat,” maagap na sagot ng dalaga.

Plano niyang mag-aral ngayon.

“Kasi may pahinga na ako, ayoko namang tumingin lang sa pader. Gusto ko ng music, photography, writing, short courses lang. Ayoko po ng 4-year course kasi na-extend, ayoko po ng putul-putol (natitigil ‘pag may project), kaya gusto ko po muna short course.”

Unang interbyu namin iyon kay Kylie, Bossing DMB at bilib kami dahil napakagalang at napakabait na bata, walang ere sa totoo lang. Bilib kami sa pagpapalaki nina Robin at Liezel Sicangco sa kanya. Maging sina Queenie at Shen ay ganito rin, si Ali lang ang medyo astig pero magalang na namana niya sa papa niya.