Niyanig ng halos 6.0 magnitude na lindol ang Panay Island noong Biyernes, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Ang pinaka-sentro ng pagyanig ay naramdaman pasado 4:00 ng hapon sa layong limang kilometro sa timog silangan ng bayan ng Culasi.
Ang lindol na tectonic ang pinagmulan ay lumikha rin ng lalim na 14 kilometro.
Naiulat na nagkaroon din ng bitak ang mga gusali sa lugar, na ikinaalarma ng mga kawani nito.
Bukod dito, walang naiulat na namatay o nasaktan sa nasabing pagyanig.