LUNGSOD NG MALOLOS - Naglaan ng kabuuang P2 bilyon ang Department of Public Works and Highways (DPWH) para sa rekonstruksiyon ng Bulo Dam sa San Miguel, Bulacan.

Nawasak ang naturang dam noong Setyembre 2011 sa kasagsagan ng pananalasa ng bagyong ‘Pedring’, na dahilan ngayon ng matinding baha sa nasabing bayan, partikular sa mga barangay ng Malibay, Maligaya, Bardias, Lambakin, King Kabayo, Baritan, Sta Lucia, Salacot, Cambio, Pinambaran, Ilog Bulo, Bagong Silang, Mandile at Batasan Matanda.

Base sa plano, gagawin ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na kongkreto ang ngayo’y earth dam na istruktura na itinayo noong dekada ‘90 upang magsilbing imbakan ng tubig para sa San Miguel, na pinakamalaking producer ng palay sa Bulacan. - Omar Padilla
National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists