Ang Norway ang ‘best place to grow old,’ ayon sa huling Global AgeWatch index ng 96 bansang inilathala noong Miyerkules, habang ang Afghanistan ay ang ‘worst.’

Lahat bukod lamang sa isa ng top 10 bansa ang nasa Western Europe, North America at Australasia, maliban sa Japan na nasa ninth place, ayon sa ranking na binubuo ng 91 porsiyento ng pandaigdigang populasyon ng mga nasa edad 60 pataas.

Pinalitan ng Norway sa tutktok ng index ang nangunguna noong nakaraang taon na Sweden, na nahulog sa pangalawang puwesto.

Ang index ay ibinatay sa 13 indicators na pinagsama-sama sa apat na larangan: ang income security; health status; capability, na kinabibilangan ng employment at educational status; at ang enabling environment, kabilang na ang mga isyu gaya ng physical safety.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Ang ilang bansa ay mas umangat sa iba’t ibang larangan. Ang Japan ang nangunguna sa ranking pagdating sa kalusugan, habang ang Switzerland ang may pinakamagandang kapaligiran para sa matatanda.

Ang top 10 sa index ay: Norway, Sweden, Switzerland, Canada, Germany, Netherlands, Iceland, United States, Japan at New Zealand.

Nasa bottom 10 ang: Iraq, Zambia, Uganda, Jordan, Pakistan, Tanzania, Malawi, West Bank and Gaza, Mozambique at Afghanistan. - Agence France-Presse