GAGAMITIN ni Hugh Jackman ang kanyang kasikatan laban sa testicular cancer sa pamamagitan ng isang viral na ngayong Twitter campaign na may nakakaaliw na hashtag.

Layunin ng #FeelingNuts na himukin ang kalalakihan na regular na magsagawa ng self-exams upang maagang matukoy at madaling mabigyang lunas ang testicular cancer.

Dalawang beses na ginamot sa skin cancer ngayong taon, nag-post ang Oscar nominee ng see-it-to-believe-it slomotion Instagram video ng pagsusuri niya sa sarili habang nagwo-work out sa gym. Sulat niya tungkol sa video: “#feelingnuts in slomo! Raising awareness for testicular cancer. #youknowwhoyouare.”

Nakamamatay ang testicular cancer lalo na kung hindi agad na naagapan. Nasa 380 lalaki ang namatay sa sakit ngayong 2014, ayon sa Cancer.org. Nasa 8,820 bagong kaso naman ang mada-diagnose.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Inaasahang magiging matagumpay ang nasabing kampanya dahil estilo ng Ice Bucket Challenge—kontra ALS (Amyotrophic lateral sclerosis) ang isinusulong nito.

Sa katunayan, nominado na ni Hugh para sunod na gawin ang self-exams sina Ricky Gervais, Neil Patrick Harris at Michael Strahan. Agad namang nagpaunlak si Ricky at ipinaskil ang pakuwelang litrato ng selfexam. Aniya sa Instagram: “I accept the @RealHughJackman #feel ingnut s chal lenge for testicular cancer,” bago idinagdag, “I nominate @WilliamShatner.” - Yahoo News