Dinedma ng Senate Blue Ribbon sub–committee ang hirit ni Makati City Mayor Jun-Jun Binay na ipatigil ang imbestigasyon sa isyu ng kurapsyon sa Makati City kung saan idinadawit siya at kanyang ama na si Vice President Jejomar Binay.

Una nang kinuwestiyon ng kampo ng mga Binay ang legalidad ng imbestigasyon at nitong Miyerkules ng hapon ay pormal nitong hiniling sa kay Senator Teofisto Guingona III, chairman ng Blue Ribbon Committee, na ipatigil na ang imbestigasyon.

Muling hindi nakadalo ang mag-amang Binay at mga opisyal ng Makati City government, kaya nagpasya na si Senator Aquilino Pimentel III na mag-pakita ng show cause order na nag-aatas na magpaliwanag ang mga ipinatawag ng komite.

Bukod sa alkalde, pinagpaliwanag din nito sina Ebeng Baloloy, secretary ni VP Binay; Gerry Limlingan, at mga may-ari ng mga kumpanya na ginawang “dummy” ni VP Binay.

Metro

MANIBELA magkakasa ng libreng sakay sa Pasko at Bagong Taon

“I believe we have exhausted enough and this is my opinion –‘yung paghahanap sa kanila and it’s time to take this thing to the next level of course without trampling upon their individual rights. Pero kelangang ma-compel natin silang pumunta dito. If not, eventually maisyuhan sila ng warrant of arrest” ani Trillanes.

Inihayag ng Commission on Audit (CoA) ang kanilang partial report ng ginawang imbestigasyon sa Makati City Parking Building 2 kung saan nakita nila na may mga nilabag na batas kaugnay sa pagpapagawa ng gusali, partikular na sa proseso ng bidding.

Samantala, iginiit ni Atty. JV Bautista, interim secretary general ng United Nationalist Alliance (UNA), walang saysay at puro drama lamang ang mga testimonya ni Commission on Audit (CoA) Commissioner Heidi Mendoza sa Senate hearing sa kontrobersiya laban sa mga Binay.

“She testified on a 2011 case which is now with the courts. This violates the sub-judice rule and the rights of former Makati Mayor Elenita Binay who has appealed the Ombudsman’s re-filing of the case before the Supreme Court,” ayon kay Bautista.