Umalma ang maintenance provider ng Metro Rail Transit 3 (MRT-3) sa patuloy na paninisi sa kanila kaugnay ng sunud-sunod na aberyang narasan ng mga tren ng MRT.

Sa pagdinig ng Senate Committee on Public Services at Committee on Transportation, binigyang diin ni Vic Espiritu, project manager ng MRT 3 maintenance provider na Autre Porte Technique (APT) Global na hindi sila ang dapat na sisihin sa mga aberya ng MRT.

Aniya, hindi nila saklaw ang mga dahilan ng pag-aberya ng tren tulad na lamang ng biglaang paghinto sa gitna ng riles, kawalan ng communications system bunsod ng radio traffic interference, pagtakbo ng tren na bukas ang pintuan at ang pag-overshoot sa EDSA Taft station kung saan lahat ng ito ay hindi raw isyu ng pagmimintina.

Sinabi pa nito na bago nila ibinibigay ang unit ng tren sa Department of Transportation and Communication (DoTC)- MRT3 Operations ay dumadaan ito sa masusing safety check.

VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romuadlez

Sinabi pa ni Espiritu na nasa kamay na ng DOTC ang kontrol sa operasyon ng tren kung saan hindi na raw maaaring makialam pa ang kanilang technicians kung walang pahintulot ng Control Center hanggat hindi ito naibabalik sa kanila para sa maintenance.

“In all the while that we are being blamed, our critics are actually barking at the wrong tree,” ani Espiritu.

Dahil dito iginiit ni Espiritu na hindi dahil sa mahinang maintenance ang dahilan ng pagkaaberya ng tren kundi dahil sa lapses sa operasyon.

Nauna ng sinabi ni Senator Francis Escudero, na hindi na kailangan pang gumastos ang pamahalaan ng P54 bilyon para maresolba ang pag-aari at control ng MRT.