TONI Gonzaga

NAKAHANDA na ang lahat ng mga pasasabuging sorpresa ni Toni Gonzaga para sa inaabangang Celestine concert na gaganapin bukas (Biyernes, Oktubre 3) sa Mall of Asia Arena.

“Ang concert ko ay magiging celebration ng aking 15 taon sa industriya at sinisiguro po naming bibigyan po namin kayo ng bago -- ng certified ‘Celestine experience’ na ipapakita ang kung ano ako noon, ngayon at kung ano’ng magiging ako sa future,” sabi ni Toni.

Ang titulo ng kanyang concert ay isinunod sa kanyang tunay na pangalan, Celestine.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Bukod sa kanyang mga awitin, may performances din si Toni ng iba’t ibang sikat na local at international hits.

Makakasama niya sa kanyang special concert na ito ang G-Force, ang The Voice of the Philippines finalist na si Paolo Onesa, si Richard Yap, si Vice Ganda at ang kanyang kapatid na si Alex.

Ang Celestine ay sa ilalim ng musical direction ni Homer Flores at stage direction naman ni Paolo Valenciano.