GENERAL SANTOS CITY – Arestado ang walong hinihinalang miyembro ng Acetylene Gang sa isang police checkpoint sa Tacurong City, Sultan Kudarat noong Martes.

Kinilala ng pulisya ang mga naaresto na sina Elvis Lawe, 52, ng Quirino; Jonathan Cabradilla, 31, ng Baguio City; Christopher Tayao, 23; Palog Apalet, 43, kapwa ng Ilocos Sur; Allan Dawan; Rodolfo Nasapne, 28, kapwa ng Cagayan; Jun Ramos, 35, ng Quirino; at Dario Payanyo, 31, ng Baguio City.

Nakumpiska mula sa mga suspek ang isang walang lisensiyang .45 caliber pistol, acetylene gas tank, drilling machine at ilang mechanical tools.

Sinabi ni Senior Supt. Jose Briones, South Cotabato Police Provincial Office director, na bago madakip ay tinangka ng grupo na magnakaw sa isang department store sa Surallah, pero agad na nakapag-report sa pulisya ang mga security guard. - Joseph Jubelag
Metro

MANIBELA magkakasa ng libreng sakay sa Pasko at Bagong Taon