Barriga and Suarez

Ni REY BANCOD

INCHEON, Korea– Nakasalalay ang inaasam na gintong medalya ng Pilipinas sa apat na boksingero na mula sa Mindanao na nakatakdang sumabak ngayon sa finals sa 2014 Asian Games.

Makakasagupa ni light flyweight Mark Anthony Barriga, tubong Panabo City, ang hometown bet na si Shin Jonghun, ang silver medalist sa 2011 world championships sa Baku, Azerbaijan.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Kung anong may pagkakapareho sina Barriga at Shin sa sarili, kapwa sila nabigo kay Chinese superstar Zou Shiming sa Azerbaijan kung saan ay napatalsik si Barriga sa quarterfinals.

Hindi lamang makakatapat ni Barriga ang ekspiriyensado at skilful opponent, kailangan pa rin niyang malusutan ang officiating na karaniwan nang pinapaboran ng host country.

Sumabak si Barriga, 21, ng dalawang beses upang tumuntong sa semifinals habang pinatalsik ni Shin si North Korea’s Ham Jonghyok, 3-0, matapos na makuha ang bye sa first round.

Sa naturang event, nakaligtas si Barriga, kung saan ay nakatagpo niya si Kazakhstan’s Birzhan Zhakypov na halos tinalo siya, 17-16, sa Round of 16 match

sa London Olympics.

Si lightweight Charly Suarez, ang 26-anyos na talent na mula sa Asuncion, Davao, ang pinaka-ekspiriyensadong boxer sa koponan, na nagsimula pa noong 2004.

Kontra kay Obada Mohammad Mustafa Alkasbeh, makikipagbangasan ng mukha si Suarez sa ‘di gaanong ekspiriyensadong boksingero na naisakatuparan ang natatangi niyang international debut match may dalawang taon na ang nakalilipas.

Subalit napasakamay ni Alkasbeh, ang silver medal finish noong nakaraang taon sa Asian championships.

Sa pagtuntong sa semifinals, umiskor si Alkasbeh ng unanimous decision kontra kay Korean Han Soonchul, ang silver medalist sa nakaraang Olympics.

Sa kabilang dako, nakipagsabayan muna si Suarez bago binigo ang dalawang kalaban via split decisions.

Sumanib naman si Mario Fernandez ng Valencia City, Bukidnon sa national squad noong 2010 at napagtagumpayan ang gold medal sa nakaraang taong Southeast Asian Games sa Myanmar.

Ngunit nasa kamay na ni Fernandez ang tagumpay sa pakikipagtapat kay China’s

Zhang Jiawei, ang 14-year veteran na nanalo ng silver may apat na taon na ang nakalilipas sa Guangzhou, China.

Subalit kung ipakikita ng 21-anyos na si Fernandez ang kaparehong work rate at

tenacity sa pagtalo sa old nemesis na si Shiva Thapa ng India sa quarterfinals, may tsansa itong maisakatuparan ang malaking upset.

Ngunit ang pinakamalaking sorpresa sa kasalukuyan ay si middleweight Wilfredo Lopez, ang hard-nosed fighter sa kanyang karera.

Sa edad 29, si Lopez ang inaasahang makapagbibigay ng malaking oportunidad upang talunin si Odai Riyad Adel Alhindawi, ang ‘di gaanong kilalang boksingero na mula sa Jordan.

Sa final, kailangang maging kontento ang South Cotabato boxer na kahalintulad nina world champion Zhanibek Alimkhanuly ng Kazahkstan o Vikas

Krishan ng India, pawing nagwagi ng gold medal sa Guangzhou bilang mga

lightweight.

Magwagi man o matalo, nakapagbigay na si Lopez ng kasaysayan sa bansa bilang heaviest Filipino boxer na nagwagi ng medalya sa Asian Games.

Iniutos naman ni National coach Nolito Velasco ang maagang morning workout

kahapon bago nakihalubilo sa boxers para pag-usapan ang estratihiyang gagawin habang pinapanood ang video fights ng kanilang mga makakalaban.

“Ang importante ay ‘yung ma-maintain ‘yung energy at work rate hanggang

sa dulo,” saad ni Velasco.

Matapos ang pag-uusap at isasagawang estratihiya, nagtungo ang boxing team sa entertainment center sa loob ng Athletes’ Village upang manood naman ng pelikula.

“Para ma-relax din ‘yung mga atleta,” paliwanag ni Velasco.