Iya Villania & Drew Arellano

ENJOY si Drew Arellano kapag mga bata ang kasama, kaya paborito siya ng mga pamangkin niya. Pero hindi kaagad nakasagot si Drew nang tanungin namin siya, sa launch ng bago niyang iho-host na Bonakid Pre-School Ready Set Laban Season 2, kung kailan naman sila magkakaanak ng kanyang wife na si Iya Villania.

“Wala pa, target pa namin, sa 2016 pa kami magkakaroon ng anak,” natatawang sagot ng mahusay na TV host. “Marami pa kaming plano na gustong gawin, ang priority muna naming dalawa ay ang aming relationship. Kahit matagal na kaming naging mag-sweetheart (almost ten years), ngayon pa lang talaga kami nagsama under one roof. Noon, we have no time to be together, pero ngayon may time na akong ipagluto siya ng pagkain, siya naman ang naghuhugas ng pinggan, kami naglalaba, naglilinis ng bahay. Masaya kami na magkatulong nagtatrabaho.”

Bakit naibalita noon na aalis na siya sa GMA?

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

“No, that’s not true. For life na yata akong magho-host ng Unang Hirit at araw-araw iyon. Enjoy pa rin ako sa GMA, I’m comfortable here at hindi naman nila ako pinababayaang magkaroon lagi ng trabaho. Bukod kasi sa GMA, may travel show pa ako sa GMA News TV at nakakapunta ako sa iba’t ibang lugar, dito sa atin at sa ibang bansa.

“Kaya nagpapasalamat ako sa GMA na ako naman ang kinuha sa kiddie game show. Dito ko muna ibubuhos ang panahon ko, sa mga batang makakasama ko sa show, with their mommy na tutulong sa kanila sa paglalaro ng mga larong Pinoy na gusto ng Bonakid na matutunan nila habang mga bata pa sila. Nagkaroon kami ng nationwide auditions -- sa Cebu, Davao and Metro Manila -- at ang mga napili sa provinces ay dinala nila rito sa Manila. Tinulungan ako rito nina Regine Tolentino at Mikael Daez.”

Happy si Drew na ang game show nila ay nanalo na ng Anak TV Seal Award. Mapapanood na ang Bonakid Pre-School Ready Set Laban Season 2 simula sa Linggo, October 5, 10:45 AM, after IBilib. May Home Partner Promo ang show kaya puwedeng mag-participate ang home viewers at manalo ng cash prize. I-submit lamang ang inyong entries sa www.gmanetwork.com/promos/readysetlaban. Every week ay may isang lucky home partner na mananalo ng P20,000 cash.