INCHEON, Korea – Kung ang pagiging “head turner” ay makapagbibigay lamang ng medalysa sa 17th Asian Games, dalawang ginto na sana ang napunta sa Pilipinas.

Si Paulie Lousie Lopez, gold medalist sa 2013 Asian Youth Games sa Nanjing, China, at isa sa gold medal bets sa kampanya ng Pilipinas, ay isa sa Filipina charmers.

Ang pagbisita ng koponan ng taekwondo sa fitness gym malapit sa tinutuluyan ng delegasyon ng Pilipinas ay nakatawag ng pansin.

Suot ang isang silver sweat jacket at itim na cap na katerno ng kanyang legging, agad napansin si Pauline ng international field na kinabilingan ng kanilang mga karibal mula Hong Kong.

National

Ex-Pres. Duterte, ikakampanya si Quiboloy: 'Marami siyang alam sa buhay!'

Kinailangan ng HK jins na tapusin ang kanilang training session upang magbigay daan sa mga Pinoy na binati sila sa pamamagitan ng isang magalang na pag-bow.

Ang Pinoy jins ang unang koponan mula Pilipinas na gumugol ng oras sa gym. Ang ibang koponan ay nag-ensayo sa kani-kanilang practice venue o sa pinagdadausan ng mga kumpetisyon.

Sisimulan ng jins ang kanilang kampanya sa Martes.

Nakatawag rin ng pansin si Katharina Melissa Lehnert nang maglaro sa kanyang tennis matches bago nagtapos ang weekend para sa tennis team na nakalapit lamang sa tsansang makapanalo ng bronze ngunit nabigo.

Ngunit dinumog ng mga manonood lahat ng laban ng 20-anyos na Filipino-German at nakakuha ng oohs at ahhs sa kanyang bawat palo.

Gusto nila ang paggalaw niya sa loob ng court.

Naghihintay sila tuwing kukunin niya ang bola mula sa kanyang shorts.

Nakatitig sila sa kanyang bawat kindat, ngiwi, at ngiti.

At bago pa niya tapusin ang kanyang Asiad campaign, si Lehnert at ang mga pinuno ng Philta (Philippine Tennis Association) ay nakatanggap ng management offers na hindi karaniwang natatanggap ng Filipino athletes.

“She has a nice personality and an aura that attracts fans,” ani Romeo Magat, taga-Philta at opisyal ng Philippine delegation.

Hindi naman imposibleng magkaroon si Lehnert ng kanyang unang product endorsement sa hinaharap.

At hindi siya tatawaging “Sharapova of the Asiad” kung hindi niya makukuha ito.