Mariing tinutulan kahapon ng mga kongresista ang pagbabalik ng death penalty, naniniwalang hindi nito malulutas ang lumalalang kriminalidad sa bansa.

Naniniwala si House Speaker Feliciano “Sonny” Belmonte Jr. na “ it is not the answer to the rising incidence of crimes in the country.”

“The reimposition of the capital punishment won’t fly,” sinabi ni Belmonte kaugnay ng panukala ni Iloilo City Rep. Jerry Trenas na pag-aralan ng mga mambabatas ang Revised Penal Code at muling ipatupad ang Death Penalty Law kasunod ng mas marahas na pag-atake ng mga kriminal, na nagsasamantala sa matatanda at mahihina.

Muling napag-usapan ang pagbabalik ng death penalty sa bansa kasunod ng serye ng matitinding krimen—ang kaso ng EDSA “hulidap” na kinasangkutan ng mga pulis; ang panggagahasa at pagpatay sa isang pitong taong gulang na babae sa Pandacan, Manila; ang pagpatay sa isang babaeng negosyante sa harap ng kanyang asawa dalawang araw na ang nakalilipas; at ang pagnanakaw at pagpatay sa ina ng aktres na si Cherry Pie Picache ngayong buwan.

National

4.5-magnitude na lindol, yumanig sa Surigao del Norte

Iginiit ni BUHAY Party-list Rep. Lito Atienza na hindi solusyon ang muling pagpapatupad ng death penalty sa kapalpakan sa kaayusan sa bansa ngayon.

“It is not and never will be an effective deterrent to the commission of crimes and will not address this serious problem,” aniya, sinabing “the problem is the lack of effective and efficient law enforcement.”

“Lason sa lipunan ang death penalty. Ayusin natin ang ating law enforcement, ang ating kapulisan, the defective criminal justice system. Certainty of arrest is the best deterrent to crime,” ani Atienza.

Sinegundahan ni Cavite Rep. Elpidio “Pidi” Bargaza Jr., sinabi ni Atienza na halos tiyak nang mahihirap lang ang maparurusahan ng kamatayan, kaya mas importanteng magpatupad ng mga reporma sa sistema ng hudikatura sa bansa.

“Even before we consider reimposing the death penalty, we should think first of reforming our justice system. Dahil sa kasalukuyang sistema, ang mahihirap lamang na hindi kayang magbayad ng abogado o magpiyansa o walang perang pangsuhol sa corrupt policemen, fiscals, at judges ang mabibitay,” ani Atienza.

“Death penalty has been provided before for the commission of heinous crimes and it did not serve as an effective deterrent,” sabi naman ni Barzaga.