Lovi-Poe-copy

NAGING kontrobersiyal kamakailan ang maanghang na post sa Facebook ni Direk Erik Matti tungkol sa pagtanggi ni Lovi Poe na gawin ang maikling papel sa Kubot: The Aswang Chronicles. Ngayon, moving forward na ang production ng MMFF 2014 entry at may kapalit na si Lovi.

Bongga ang baguhan na ipinalit kay Lovi na si Hanna Ledesma dahil isa itong Binibining Pilipinas contestant at graduate ng Bachelor of Science in Management Information Systems sa Ateneo.

Nagtrabaho si Hanna bilang technical consultant sa isang international IT company, pero nag-resign nang sumali siya sa Binibining Pilipinas 2014.

National

Tinatayang 300,000 Pilipino, nakinabang sa 'Walang Gutom' program ng DSWD

Businessman ang father ni Hanna kaya’t feeling niya, sa pagnenegosyo rin ang magiging career niya.

Ayon kay Hanna, boyish siya nu’ng kabataan niya dahil lumaki siya sa apat na kuya, kaya ang laruan niya ay baril-barilan, Tamia, basketball at wrestling din at hindi niya naisip na makakapasok siya sa showbiz.

Noong 2012 nakilala ni Hannah si Direk Jeffrey Jeturian na tumulong sa training niya para sa pagsabak sa beauty contest.

Si Direk Jeffrey rin ang nagpakilala kay Hanna kay Atty. Joji Alonso, ang tumatayong manager ng dalaga ngayon.