Nagbabala si Senator Antonio Trillanes IV sa posibilidad na tumaas ang terminal fee sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sakaling isapribado na ang operasyon at maintenance nito.

Iginiit ni Trillanes na bilang pangunahing paliparan ng bansa, ang gobyerno ang dapat na direktang nagpapatakbo sa NAIA. “Being the premiere airport in the country and considering the public interest involved in its operation, NAIA should be under the auspices of the government,” ani Trillanes.

Inihayag ng Department of Transportation and Communications ang planong privatization bilang paghahanda sa pagdagsa ng mga pasahero sa Disyembre.
Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon