Dementia-Nora-Aunor-Jasmine-Curtis-Smith-copy

FULL house ang Trinoma Cinema 7 nang ganapin nitong nakaraang Linggo ang premiere night ng Dementia, unang directorial job ni Perci M. Intalan

Kung ganoon din karaming tao ang manonood sa regular showing ng pelikula ni Ms. Nora Aunor (nagsimula na kahapon) ay walang dudang kikita ito.

Wala kaming masyadong ini-expect sa Dementia dahil obviously, sa titulo pa lang ay alam mo na ang kuwento, tungkol sa taong makakalimutin o nag-uulyanin na kaya ang nasa isip namin, paano naging suspense/horror ang pelikula?

National

VP Sara sinabing si Romualdez ang gustong pumatay sa kaniya

Worst nga na naisip namin ay baka ang karakter ni Nora ang pumapatay na nakakalimutan lang niya na siya ang gumagawa.

Pero mali kami ng inakala dahil may nagmumulto nga talaga sa bahay na nilakhan ni Mara (Althea Vega, gumaganap bilang younger Nora) kasama si Olivia (Chynna Ortaleza), ang anak ng umampon sa kanya.

Sa istorya, may sakit na dementia si Nora kaya umuwi ng Pilipinas ang pamangkin niyang si Bing Loyzaga kasama ang asawang si Yul Servo at anak ng mga ito na si Jasmin Curtis Smith para alagaan siya.

Sinundo nila si Ate Guy sa hospital at iniuwi sa bahay niya sa probinsiya. Sa naturang bahay sila lumaki ni Chynna.

Pero bago lumabas ng hospital si Nora ay naisulat niya sa kanyang diary ang buong kuwento ng buhay niya at kung ano ang nangyari sa mga umampon sa kanya at kay Olivia (Chynna).

Natutuwa ang attending physician ni Nora na si Alice Dixson na malapit na siyang lumabas at susunduin na siya ni Bing at biglang sumagot ang superstar ng, “Dapat lang dahil ako ang nag-alaga sa kanya noon kaya may utang na loob siya sa akin.”

Sa sinabing ito ni Nora, ibig sabihin, may mga natatandaan siya sa nakaraan.

Pangalawang insidente, nang tanungin siya ni Alice kung puwedeng mabasa ang diary niya, huminto sa pagsusulat si Nora at sabay tingin lang sa kanyang doktor, na ang ibig sabihin ay alam niyang bawal basahin ang kanyang diary.

Nang makauwi na sina Nora at Bing sa bahay nila ay tinititigan niya ang bawat sulok ng bahay na tila may hinahanap.

Hindi kinakausap ni Nora si Yul na akala namin ay hindi niya kilala, pero iyon pala’y may galit siya rito noon pang nanliligaw pa lang ito kay Bing.

Marami pang ibang detalye sa buhay niya na natatandaan si Mara (Nora) kaya maiisip ng nanonood na nagkukunwari lang siyang may dementia dahil, halimbawa, ayaw niyang makipag-usap sa mga taong noon pa ay kagalit niya.

Hindi na namin ikukuwento ang mga sumunod na eksena para hindi maging spoiler itong rebyu namin at ma-enjoy din ninyo ang movie.

Simple lang kung tutuusin ang istorya ng Dementia pero ang ganda ng pagkakadirek ni Perci dahil sobrang linis maski na medyo mabagal ang pacing na ang dahilan naman ay para maihanda ang viewer sa mga susunod na eksena na talagang matatapon mo ang iniinom mo sa takot na sinasabayan pa ng nakakagulat nitong sound effects.

Ang ganda ng Batanes, refreshing ito at tiyak na nanamnamin ng mga manonood na mahilig sa magagandang tanawin at maging sa mga nagsasawa na sa mga pelikula na parating Maynila ang location.

Nagandahan din kami sa mga bahay na yari sa bato at curious kami kung walang tsunami rito o kung inaabot ba sila ng baha dahil dagat ang nakapalibot. Ha-ha, kulang kami sa research.

Halos lahat ng artista sa Dementia ay magagaling maski na baguhan, pero siyempe kakaibang acting na naman ang ipinakita ni Nora Aunor na mata pa lang umaarte na talaga, lalo na’t bilang din lang ang dialogue niya sa pelikula.

Binabati namin si Direk Perci na hindi halatang first timer sa Dementia at maganda ang pagkakatahi ng kuwento, hindi katulad ng ibang mga direktor na sandamakmak ang mga butas sa istorya.

At masasabi naming mahal na mahal si Perci ng big bosses ng TV5 na sina Mr. Bong Sta. Maria at Mr. Noel Lorenzana dahil sila pala ang producers ng movie under Octobertrain Films at Idea First, released ng Regal Entertainment.