ISANG malawakang kompetisyon sa larangan ng pag-awit ang inilulunsad ng Manila Broadcasting Company.

Kaugnay nito, malugod nilang iniimbitahan ang iba’t ibang choral groups mula sa mga paaralan, parokya, komunidad, tanggapan at mga special interest group na lumahok sa 2014 MBC National Choral Competition. Ang mananalo sa children’s division at open category ay mag-uuwi ng mahigit sa tig-isandaang libong piso.

Maaari nang mag-audition sa Cauayan, Isabela sa darating na September 27, October 4 sa Iloilo at October 12 naman sa Star Theater sa Pasay. Kung hindi makakapunta sa mga nasabing petsa at lugar ang ilan pang interesadong lumahok, maaaring mag-submit na lamang ng high-quality video lakip ang application form sa head office ng MBC bago sumapit ang ika-10 ng Oktubre.

Para sa detalyadong patakaran ng patimpalak, maaaring bisitahin ang Facebook page ng MBC National Choral Competition. Para naman sa pagpaparehistro at ilang katanungan, makipag-ugnayan sa 89.7 Yes FM Cauayan sa numerong 09174330344 at sa 97.5 Love Radio Iloilo – 09175017070 o ‘di kaya nama’y mag-e-mail sa [email protected] para sa Mega Manila auditions. --Alyssa Jane Avellanosa, trainee
National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20