Napanatili ng College of St. Benilde (CSB) ang kanilang titulo sa women’s at juniors division ngunit nawala naman ang kanilang men’s crown sa pagtatapos ng NCAA Season 90 badminton tournament sa Powerplay Badminton Center sa Sta. Mesa Heights sa Quezon City.

Kapwa napanatili ng Lady Blazers at Greenies ang kanilang titulo sa pamamagitan ng pagwawalis sa lahat ng kanilang mga laro sa first round hanggang sa second round.

Nagawa namang agawin ng Letran ang titulo sa men’s division matapos pangunahan ang eliminations at ungusan ang napatalsik na kampeong Blazers sa finals.

Tumapos namang runner-up sa La Salle Greenhill sa juniors division ang San Beda College (SBC), pumangatlo ang Letran at ikaapat ang Emilio Aguinaldo College (EAC).

‘Immortal love?’ Enrile at misis nagdiwang ng 67th wedding anniversary

Sa women’s division, pumangalawa sa Lady Blazers na muling pinangunahan ni Nikki Therese Servando na siyang tinanghal na MVP ng torneo sa ikaapat na sunod na taon ang Mapua, pumangatlo ang Letran at ikaapat ang Lyceum.

Samantala, sa men’s division, nagtapos namang runner-up ang Blazers at pumangato ang Lyceum of the Philippines.