VATICAN CITY (Reuters)— Iniutos ni Pope Francis ang pagrerepaso upang pasimplehin ang proseso ng annulment sa Simbahan, sinabi ng Vatican noong Sabado, isang hakbang na magpapadali sa pagwawakas ng kasal para sa mga Katoliko.

Nakasaad sa pahayag na nagtalaga si Pope Francis ng 11-member commission ng mga canon lawyer at theologian para magbalangkas ng reporma sa proseso, “seeking to simplify and streamline it while safeguarding the principle of the indissolubility of marriage”.

Ang annulment, pormal na tinatawag na “decree of nullity,” ay isang deklarasyon na sa simula pa lamang ay hindi balido ang isang kasal ayon sa Simbahan dahil sa kawalan ng ilang pre-requisite, gaya ng free will, psychological maturity at bukas sa pagkakaroon ng anak.
Metro

MANIBELA magkakasa ng libreng sakay sa Pasko at Bagong Taon