KITAKAMI CITY, Japan- Napagwagian ng Pilipinas ang dalawang bronze medals sa pagsisimula ng 18th Asia Masters Athletics Championships sa Kitakami City, Iwate Prefecture, Japan noong Biyernes.

Kinubra ni Margarito Banigued ang unang bronze medal sa bansa mula sa 5000-meter walk para sa men’s 55-years old.

Naorasan ito ng 32 minuto at 38.57 segundo para sa third place finish sa field na sinalihan ng 42 athletes.

Si Baniqued ay isang middle distance runner sa kasagsagan ng Gintong Alay sa ilalim ng pamumuno ni Michael Keon.

National

Ilocos Norte, niyanig ng magnitude 4.0 na lindol

Ngunit ang sorpresang medalya ay nanggaling kay Erlinda Lavandia, ang internationally respected Masters javelin throw champion, nang ibulsa nito ang bronze medal sa hammer throw event para sa women 60-64 years old.

Ibinato nito ang distansiyang 21.27 meters.

Ang Philippine Team, ang partisipasyon dito ay siniguro ng dating presidente na si Manny Ibay ng Philippine Sports Commission (PSC) bago ang kanyang kamatayan, ay ginabayan ng San Miguel Corporation, Petron, Sportscore, L-Time Studio, Soma, El Lobo Energy Drink, Accel, PCSO, PSC at POC.

Ito ang unang pagkakataon na umentra si Lavandia sa event simula ng magpartisipa ito sa Masters sa edad na 45.

Sinabi ni Lavandia na pinag-aralan niya ang ikalawang event habang nagsasanay siya sa Baguio. Namalagi ito ng dalawang buawan para sa kanyang bagong event.

Hahataw pa rin si Lavandia sa javelin throw kung saan ay kinukonsidera siyang top bet para sa gold medal.