Ipinag-utos ng Office of the Ombudsman ang paghahain ng kasong kriminal laban kay Mayor Jose Villarosa ng San Jose, Occidental Mindoro dahil sa umano’y ilegal na pagbibigay ng quarry permit sa isang kontratista na saklaw ng kapangyarihan ng gobernador ng lalawigan.
Ipinaliwanag ng Ombudsman na tanging ang provincial governor ang awtorisado na mag-apruba ng extraction permit sa ilalim ng Republic Act 7160 o Local Government Code.
Ayon sa Ombudsman, nakasaad sa mga probisyon ng Section 139 ng RA 7160 “plain, straight forward and unambiguous, stressing that the authority of the governor to regulate extraction of gravel, sand and other quarry resources is exclusive.”
“It is clear that the persons who have been granted permits by the respondent were able to exercise the privilege they did not deserve,” pahayag ng Ombudsman.
Lumitaw sa record na nag-apruba si Villarosa ng 10 quarry permit sa iba’t ibang indibidwal noong 2010-2011. - Jun Ramirez