UNITED NATIONS, United States (AFP)— Magtatalumpati si Leonardo DiCaprio sa harapan ng mga lider ng mundo sa UN climate summit sa susunod na linggo bilang ang bagong “UN messenger of peace” na nakatuon sa climate change, sinabi ng UN chief noong Lunes.

Ang bituin ng mga pelikulang Titanic at The Wolf of Wall Street ay naging vocal sa pangangailangang kumilos para sa global warming sa pamamagitan ng kanyang Leonardo DiCaprio Foundation.

“I feel a moral obligation to speak out at this key moment in human history -- it is a moment for action,” ani Leo sa isang pahayag.

“How we respond to the climate crisis in the coming years will likely determine the fate of humanity and our planet.”

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Mahigit 120 lider ang nakatakdang dumalo sa summit sa Martes na inaasahan ni UN Secretary General Ban Ki-moon ay magpapasigla sa mga negosasyon upang magkaroon ng kasunduan sa pagbabawas sa greenhouse gas emissions.

Ang summit ay maglalatag ng entablado para sa mahalagang conference sa Paris sa Disyembre 2015 na naglalayong isapinal ang isang kasunduan.

“Mr. DiCaprio is a credible voice in the environmental movement, and has a considerable platform to amplify his message,” ani Ban.