RIZAL, Kalinga - Suportado ng Sangguniang Panglalawigan ng Kalinga ang inaprubahang resolusyon na nagdedeklara sa Sitio Greenhills sa Barangay San Pedro sa bayang ito bilang isang cultural heritage site dahil sa pagkakadiskubre rito ng mga buto ng elepante noong 1970s.

Ang deklarasyon sa Resolution No. 2014-84 ay sinuportahan ng University of the Philippines, National Commission for Culture and the Arts, National Historical Institute at ng mga siyentista mula sa Netherlands at France na nagsaliksik sa lugar.

Ayon kay Rizal Mayor Marcelo Dela Cruz, natukoy ng UP College of Archaeology na ang natagpuang artifacts sa lugar ay pinakamatanda at natuklasan 15 taon na ang nakalilipas.

“It is also suspected that the oldest man might have been buried there due to the stone fossils found in the site,” ani Dela Cruz. - Wilfredo Berganio
Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon