(AFP)— Isang misteryosong sakit ang nambibiktima ng kabataang babae sa isang bayan sa hilaga ng Colombia, at sinabi ng mga lokal na isang bakuna laban sa sexually transmitted human papillomavirus (HPV) ang dapat sisihin.

Una ay nanlalamig ang kanilang mga kamay at paa. Kasunod nito ay mamumutla sila at hindi na makagagalaw. Ang ilan ay nagkokombulsiyon at nabubuwal.

Sa El Carmen de Bolivar, malapit sa daungan ng Cartagena, dose-dosenang kabataan ang nakaranas ng parehong sintomas. Ang ilan ay hinimatay pa.

“They vaccinated me in May and I started fainting in August. My legs became heavy and I couldn’t feel my hands anymore. When I woke up, I was in the hospital,” pagbabalik-tanaw ng 15-anyos na si Eva Mercado. Pitong beses siyang hinimatay sa loob ng isang buwan.

Politics

Dalawang Tulfo brothers, nanguna sa survey ng senatorial race

Napuno na ng mga hinimatay na pasyente ang maliit na Nuestra Senora del Carmen hospital ng lungsod sa pagdadala ng mga tarantang ama sa kanilang mga anak na babae sa pasilidad sakay ng mga motorsiklo.

“There is no diagnosis or specific treatment,” sinabi ni Augusto Agamez, opisyal ng ospital, sa AFP.