Hosts ng 'It's Showtime'

LAST Wednesday, September 17, lumipad na ang buong tropa ng It's Showtime para sa dalawang araw na show nila sa Canada.

Bukas, September 20, ay sa Ricoh Coliseum sa Toronto sila mapapanood at sa September 21 naman ay sa Shaw Conference Centre in Edmonton.

Summer ngayon sa Canada at tiyak na dudumugin ng mga Pinoy TFC subscribers ang matagal na inabangang pagtatanghal ng numero unong noontime show sa 'Pinas.

‘Immortal love?’ Enrile at misis nagdiwang ng 67th wedding anniversary

Bagamat nasa Europe si Vice Ganda for a series of concerts, makakaasa naman ang fans ng unkabogable star na siya'y darating sa Canada para pasayahin ang ating mga kababayan doon.

Buo ang barkada ng It's Show time dahil namataang magkakasama sa biyahe sina Anne Curtis, Karylle, Vhong Navarro, Billy Crawford, Kim Atienza, Coleen Garcia, Jhong Hilario, Jugs Jugueta, Teddy Corpuz, Ryan Bang at Eric Tai.

Ang shows ng grupo sa Canada ay suportado ng Great Smile Denture Clinic at ang September 21 show naman ay in partnership with 3J Events Services, sa tulong ng Belo Medical Group at Megaworld.