Judy Ann Santos

'BET ON YOUR BABY.' BIGLANG EERE

NAGULAT kami na biglang eere na ang second season ng Bet On Your Baby na iho-host uli ni Judy Ann Santos dahil ang sinabi sa amin dati ay taping lang ang last quarter ng 2014 at next year pa ito ipapalabas.

"May gagawin kasing teleserye si Juday next year at hindi puwedeng pagsabayin ang tapings ng Bet On Your Baby at serye, kasi may cut-off siya," tsika ng source namin sa ABS-CBN.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Dagdag na tsika pa niya, mas pinaborang iere muna ang BOYB kaysa sa Nathaniel na panay ang pakita ng trailer kamakailan.

"Magkakaagawan kasi sa oras kasi extended ang Hawak Kamay," sabi ng spy.

Hindi naman niya itinanggi na totoong kamuntikan nang mamaalam ang Hawak Kamay pero biglang sumagitsit pataas ang ratings ng serye nina Piolo Pascual, Iza Calzado at Nikki Gil kasama ang mga bagets na sina Xyriel Manabat, Juan Karlos, Andrea Brillantes at Zaijian Jaranilla at may special participation sina JM de Guzman at Mr. Tirso Cruz III.

Sa tanong namin kung anong oras ang timeslot ng Bet On Your Baby, "Hindi pa sure, either before or after Pure Love," sabi sa amin.

Aagahan ba ang timeslot ng Pure Love nina Alex Gonzaga, Arjo Atayde at Joseph Marco?

"Hindi pa po sure," sagot sa amin.

At dahil dalawa na ang tumatakbong programa ni Juday, ang Bet On Your Baby na mapapanood simula Lunes hanggang Biyernes at ang I Do tuwing Sabado at Linggo, pitong araw na siyang mapapanood sa telebisyon.