Hinamon ni Pangulong Benigno Simeon "Noynoy" Aquino III ang buong miyembro ng pambansang delegasyon na lalahok sa 17th Asian Games sa Setyembre 19 hanggang Oktubre 4.
Sinabi ni PNoy na ipamalas ng mga atleta ang kanilang husay at talento bilang isang Pilipino sa paglahok sa kada apat na taong tomeo.
Personal sanang magtutungo si Pangulong Noynoy sa sendoff ceremony ng Team Pilipinas ngayon subalit sa huling sandali ay kinailangan nitong kanselahin ang dapat sana' y unang pakikipagkita ni PNoy sa pambansang atleta dahil sa may importanteng Gawain itong tutugunan.
Iniutos na lamang ni Pangulong Noynoy ang pagbasa sa kanyang mensahe kay Cabinet Secretary Jose Rene Almendras sa gaganaping pagtitipon ng mga nakuwalipikang atleta at mga opisyal sa isasagawang misa ng pasasalamat at pagbibigay bas bas sa paglahok ng mga ito.
Ang Team Pilipinas na sasabak sa 24 na sports mula sa paglalabanang 38 ay binubuo ng 99 kalalakihan at 51 kababaihan 0 kabuuang 150 magpapartisipang atleta habang mayroon namang 55 opisyal ang kasama sa delegasyon.
Binubuo ito ng archery (7), athletics (9), softball (15), basketball (12), bowling (12), boxing (8), canoe kayak (1), cycling (4), equestrian (4), fencing (2), golf (7), gymnastics (1), judo (1), karate (6), rowing (5), rugby (12), sailing (4), shooting (2), swimming (2), taekwondo (12), tennis (6), soft tennis (3), triathlon (5), weightlifting (1), wrestling (2) at ang wushu (6).
Sinabi naman ni Philippine Chef de Mission at Philippine Sports Commission (PSC) chairman Richie Garcia na handa na ang lahat para sa partisipasyon ng bansa mula sa ginawang pagsasanay ng mga atleta hanggang sa mga kinakailangang equipments, uniforms, airfare, accommodation at allowances.
"We don't want to give stress to our athletes," sinabi nito.
Nakatakdang magtungo si Garcia sa Incheon sa Setyembre l0 para dumalo sa importanteng pulong ng mga pinuno ng delegations sa Setyembre 11 at 12. Ang pinakamalaking bilang ng delegasyon ng bansa ay aalis naman sa Setyembre 15.