Ititigil muna ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na magpadala ng karagdagang UN Filipino peacekeepers sa Golan Heights.

Sinabi ni AFP Chief of Staff General Gregorio Pio Catapang na tatapusin na muna niya ang konrata sa United Nations sa Oktubre kaysa pagpapadala ng karagdagang peacekeepers sa Golan Heights.

Sa ngayon ay hindi na peace operation ang ipatutupad sa Golan Heights kundi ang peace enforcement operations.

Subalit sinabi ng opisyal na wala namang magagawa ang AFP kundi ang tumalima kung gugustuhin ni Pangulong Benigno Aquino III na magpadala pa ng UN Filipino peacekeepers.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Kung magpapadala man aniya ng mga Pinoy na sundalo sa Golan Heights, kinakailangan ng mga ito ng karagdagang armas para maidepensa ang sarili dahil hindi hamak na mas matataas ang kalibre ng mga baril ang hawak ng mga rebeldeng Syrian.

Sinabi ni Catapang na handa ang kanilang hanay na tugunan ang panawagan ni Sen. Antonio Trillanes IV na bigyan ng spot promotion ang 40 UN Filipino peacekeeper na nakatakas sa kamay ng Syrian rebels sa Golan Heights.