LOS ANGELES (AP)– Pinapirma ng Clippers sina free agent forward-guard Chris Douglas-Roberts at forward-center Ekpe Udoh.

Si Douglas-Roberts ay nagaveraged ng 6.9 puntos, 2.4 rebounds at 1.0 assists sa 49 laro para sa Charlotte noong huling season. Ang five-year veteran ay naglaro rin para sa New Jersey, Milwaukee at Dallas.

Naglaro naman para sa Milwaukee Bucks, si Udoh ay nagtala ng averages na 3.4 puntos, 3.5 rebounds at isang block noong nakaraang season. Ang four-year veteran ay naglaro rin para sa Oklahoma City.

Si Udoh ay lumagda sa isang one-year deal na nagkakahalaga ng $1-milyon, ayon sa isang source.

National

Chel Diokno sa pagtakbo ng Akbayan sa Kongreso: ‘Our record speaks for itself!’

Bukod kina Douglas-Roberts at Udoh, lumagda rin para sa Clippers ang forward-center na si Spencer Hawes habang nagbabalik naman si forward Glen “Big Baby” Davis upang maging back-up nina All-Star Blake Griffin at center DeAndre Jordan.

Ang mga nasabing hakbang ay inanunsiyo kahapon.