PSC chairman Richie Garcia,Archery Gold medalist in the youth Olympic Nanjin Japan Gabriel Luis Moreno and Federico Moreno guest during the PSA fourm (Bob Dungo,jr)

Hangad ng Filipino archers na masundan ang tagumpay na nakamit ni Luis Gabriel Moreno sa asam na mag-uwi ng medalya sa paglahok sa 17th Asian Games sa Incheon, South Korea.

Sinabi ng bagong halal na pangulo ng Philippine Archers National Network and Alliance Inc. (PANNA) na si Federico Moreno na ipadadala ng bansa ang isang kumpletong compound team sa Asiad na magsisimula sa Setyembre 19 hanggang sa Oktubre 4.

Si Moreno ay ang ama ng 16-anyos na si Gabriel na siyang tumapos sa matagal na pagka-uhaw ng bansa sa gintong medalya sa nakalipas na 2nd Youth Olympic Games sa Nanjing, China kung saan ay nakapareha nito si Li Jiaman ng China sa mixed international event.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

“We are a very strong (team). It’s not yet at its peak, but very motivated, very excited, and medal hopeful,” sinabi ni Moreno, anak ng kilalang actor at showbiz host na si German Moreno sa pagdalo nila sa Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum noong Martes sa Shakey’s Malate.

“(The team) is a seasoned veteran, may experience na.”

Ang koponan ay binubuo ng beteranong sina Earl Yap, Joan Tabanag, Dean Adriano, Ian Chipeco at ang nagbabalik na si Amaya Paz.

Magsisilbing inspirasyon sa Incheon-bound archers ang tagumpay ng estudyante mula sa La Salle Greenhills na si Moreno, na ipinakita nito sa buong mundo na kayang magwagi ng isang Pilipino sa malaking torneo.

“I think this is the start for all our athletes to believe na hindi imposibleng maka-gold sa Olympics,” pahayag ng batang si Moreno, nagsimula sa sports sa edad 6 na mula rin sa basketball, karate, swimming, badminton at soccer.

“Noong nag-enjoy siya sa archery, then that’s the time I supported him 100 percent,” pahayag ng ama nito.

“We’ve put in place a six-year training program, not only for the 2016 Rio de Jainero Olympics but also for the 2020 Olympics and the World Championship. Our mission is to win a gold in both Olympics and the World,” sinabi nito.

“For the Rio Olympics, we are targeting a complete men and women’s teams, aside from the individual entries. Matindi ang aming ambisyon, but we know we can do this.”