UKAY-UKAY RAID – Bureau of Customs (BOC) Intelligence unit raided nine separate second hand clothing or “ukay-ukay” warehouses in Baguio City Tuesday. Confiscating 2800 bales of assorted designer clothing estimated to worth 22.4 million pesos. Bonifacio De Castro, District Collectors of the Bureau of Customs in San Fernando, La Union walk pass ceiling bales of used cloths inside one of the warehouses in Baguio. - Photo by JJ Landingin and File: MBpictures_Sept.2014/CUSTOMS_RAID_BAGUIO_UKAY03_LANDINGIN_080314

Umabot sa P22 milyon halaga ng ukay-ukay ang nasamsam ng Bureau of Customs (BoC) mula sa siyam na magkakahiwalay na bodega sa Baguio City.

Ayon sa pahayag ng pamunuan ng BOC, nasa 2,800 used clothing, comforter at iba pang mga kasuotan, na karamihan ay mula sa Amerika at Canada, ay natagpuan sa mga naturang bodega.

Ang segunda-manong kontrabando ay pinaniniwalaang ipinasok sa pamamagitan ng locators sa Subic at Clark Freeport Zone at Cavite Export Processing Zone sa Rosario, na ideneklara bilang “scrap fabric” na gagamitin sa paggawa ng pag-export ng mga basahan.

VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romuadlez

Natuklasan ng Intelligence Group ng BOC ang ilang locators na ginamit ang prebilehiyo na umangkat ng materyales ng walang bayad sa buwis, na magpuslit ng mga segunda-manong damit na idenedeklara bilang “scraps”. Pagkatapos ay ibenebenta ang naturang mga damit sa mga dealer na nagsu-supplay ng ukay-ukay sa may-ari ng negosyo.

Ang export manufacturing enterprises na nakarehistro sa Philippine Economic Zone Authority (PEZA) at matatagpuan sa PEZA Zones ay pinapayagan ng walang bayad sa buwis at duty-free sa pag–angkat ng materyales, capital equipment, machinery at spare parts. Sila rin ay exempted mula sa pagbabayad ng wharfage dues at export tax, at fees.

Gayunman, ang Republic Act 4653, na nagkabisa simula noong 1966, ay nagbabawal sa komersiyal na pag-aangkat ng ginamit na damit.

“While times may have changed, it is the duty of the Bureau of Customs, like any other law enforcement agency of the government, to implement RA 4653, not bend it even for practicality’s sake. Moreover, we need to ensure that legitimate stakeholders in the local garments industry are protected from unscrupulous and illegal importations of clothing. What makes this situation worse is that we have found evidence that certain locators granted fiscal privileges by our government have abused these perks,” paliwanag ni San Fernando, La Union Customs District Collector Bonifacio de Castro.

Ang ukay-ukay ay dadaan sa forfeiture proceedings na pabor sa gobyerno.

Ayon sa BOC, magsasagawa sila ng follow-up operations kung sino ang mga nagpapatakbo upang masampahan ng kaukulang kaso ang mga tiwaling negosyante at importer. - Mina Navarro