Lyca Gairanod

FOLLOW-UP ito sa sinulat namin tungkol sa tsikang mawawala na ang Hawak Kamay serye nina Piolo Pascual, Iza Calzado, Nikki Gil kasama ang mga bagets na sina Xyriel Manabat, Andrea Brillantes, Zaijian Jaranilla at ang mga bagong pasok na sina Juan Karlos at Lyca ng The Voice Kids.

Nagulat ang program manager ng Hawak Kamay na si Ms. Marivic Oducayen na may ganu’ng tsika dahil ayon sa kanya ay hindi totoo.

“Wala namang advise po, kasi doing well naman po ang Hawak Kamay,” bungad sa amin nang makatsikahan namin siya nang ipakilala siya sa amin ng business unit head ng I Do na si Ms. Mercy Gonzales sa Grub Restaurant noong Lunes pagkatapos ng Himig Handog presscon sa Dolphy Theater.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Nag-umpisa raw umere ang Hawak Kamay noong Hulyo at nasa 7th week na ang umeere ngayon.

“Hawak Kamay is doing good at hindi ko po alam kung hanggang kailan kasi wala namang advise,” sabi pa sa amin.

Tumaas nga ba ang ratings ng serye nang ipasok sina Lyka at JK?

“Well, nakatulong po, pero mataas naman na rati pa, and nadagdagan nga po nang pumasok sila. Okay naman po, cute nga si Lyka,” nakangiting sabi ni Ms. Oducayen.

Binanggit namin na bagay ang team-up nina Juan Karlos at Andrea Brillantes.

“Oo nga po, bagay silang love team together with Zaijian, cute ‘yung silang tatlo.”

Inamin niya sa amin na special guest lang si Lyka dahil nga may iba talagang show ang grand winner ng The Voice Kids, ang upcoming serye ng Dreamscape Entertainment na Nathaniel.

“Pero si Juan Karlos po will stay, si Lyka lang po ang mawawala,” sabi sa amin ng bossing ng HK.

Aware rin si Ms Oducayen na ang katapat nilang programa sa GMA 7 na Niño ay magtatapos na sa September 12, Biyernes.