KEVIN Durant

OKLAHOMA CITY (AP)– Mananatili si Kevin Durant sa Nike.

Kinumpirma ni Nike spokesman Heter Myers na mananatili si Durant sa shoe giant. Sinabi ni Myers sa isang statement na ang Nike “is pleased to extend our relationship with Kevin Durant, one of the most exciting players in the game.”

Hindi naman inilabas ng Nike ang mga detalye ng deal.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Napaulat na inalok ng Under Armour ang bituin ng Oklahoma City Thunder ng isang malaking deal. Inanunsiyo naman ni Durant sa Twitter na siya ay “Excited and humbled to sign back with the swoosh!”

Unang lumagda si Durant sa Nike noong 2007, makaraan siyang mapili sa first round ng Seattle Supersonics. Ang kanyang KD shoes ay naging popular mula nang ito ay unang ilabas noong 2009.

Mula noon, patuloy ang naging pag-angat ni Durant, kabilang na rito ang kanyang pagkakahirang bilang league MVP noong nakaraang season.