SA unang pagkakataon, mapapanood na ng televiewers at netizens sa ang palaging bongga, engrande at pinakaaabangang Star Magic Ball ng ABS-CBN, na ikawalong taon na ngayon. Ipalalabas na kasi ang special telecast nito sa ABS-CBN at ang live coverage online sa Sky Pay-per-View at ABS-CBNmobile.

Maaaring ibahagi ang inyong saloobin at opinyon kaugnay ng Star Magic Ball sa pamamagitan ng paggamit ng hashtag na #8thStarMagicBall.

Gaganapin ang taunang pagsasama-samang pinakamalalaking bituin sa showbiz ngayong Sabado (Setyembre 6) sa Makati Shangri-La Hotel, na may temang Hollywood Glam: Black, White, and Silver.

Maaaring mapanood nang live ang 8th Star Magic Ball sa pamamagitan ng Sky Cable pay-per-view sa halagang P199 at online live streaming nito sa iWanTV application gamit ang simcard ng ABS-CBNmobile. Ang TV special naman ay mapapanood sa Linggo (Setyembre 7) sa Sunday’s Best ng ABS-CBN.

National

VP Sara sinabing si Romualdez ang gustong pumatay sa kaniya

Dadalo sa pinakahihintay glamorosong event sa showbiz ngayong taon ang ABS-CBN executives at ang mahigit 300 Kapamilya stars na kinabibilangan nina Bea Alonzo, Daniel Padilla, Kathryn Bernardo, Jericho Rosales, Kim Chiu, Angelica Panganiban, Jodi Sta. Maria, Sam Milby, Shaina Magdayao, Maja Salvador, Gerald Anderson, Julia Montes, Xian Lim, Enchong Dee, Julia Barretto, Enrique Gil, at Coco Martin, John Lloyd Cruz, Piolo Pascual, at maraming iba pa

Tiyak na hindi uli palalampasin ng kani-kanilang fans ang pagrampa sa red carpet ng naglalakihang mga bituin ng Star Magic suot ang gowns at suits na gawa ng mga kilalang designer sa bansa; hanggang sa kilalanin ang tatanghaling Best Dressed, Couple of the Night, Stars of the Night, at Fabulous Pair.

Kaabang-abang din ang grand launch ng Star Magic Catalogue 2015, ang annual special magazine edition na kinatatampukan ng lahat ng Star Magic artists.

Ang Star Magic Ball ay annual event na sinimulan ng PR specialist na si Keren Pascual para sa mga artistang alaga ng Star Magic, ang trailblazer sa local movie industry na talent management arm ng ABS-CBN.

Ekslusibo ang 8th Star Magic Ball TV special ngayong Linggo sa Sunday’s Best ng ABS-CBN, pagkatapos ng Gandang Gabi Vice, kaya huwag palampasin.