Habang mainit pa rin ang kontrobersiya sa umano’y overpricing ng Makati City Hall Building 2, abala si Vice President Jejomar C. Binay sa pag-iikot sa Mindanao.

Sinabi ni Cavite Governor Jonvic Remulla na naka-focus si Binay sa pagbibigay ng ayuda sa pamilya ng mga namatay na sundalo, biktima ng kalamidad at overseas Filipino worker sa gitna ng mga pag-atake ng ilang senador hinggil sa kontrobersiyal na gusali.

Nakipagpulong kahapon si Binay sa isang OFW sa Kibawe Municipal Gym sa Bukidnon, na umano’y ginahasa at binugbog sa Saudi Arabia upang mag-alok ng tulong mula sa gobyerno.

Matapos ay pinulong ng Bise Presidente ang mga lokal na opisyal at senior citizen sa Don Carlos, Kitaotao, Dangcagan at Kibawe sa Bukidnon.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Noong Linggo, namahagi si Binay ng cash benefits sa 20 pamilya ng mga sundalo, na napatay sa pakikipagbabakan sa mga rebelde kamakailan, sa Camp Evangelista, Cagayan de Oro City.

Samantala, itutuloy bukas ang pagdinig ng sub-committee ng Senate Blue Ribbon Committee ang isyu ng overpriced Makati City Hall 2, ayon kay Senator Antonio Trillanes IV.

Sinabi ni Trillanes na iimbestigahan din ng kanilang komite ang panibagong isyu sa umano’y overpricing ng mga proyekto sa Ospital ng Makati (OsMak), Makati Science High School, at orihinal na gusali ng Makati City Hall. (JC Bello Ruiz at Mario Casayuran)