Muling gagamit ang mga botante ng Precinct Count Optical Scan (PCOS) machine at iba pang voting technology sa May 2016 elections.

Sinabi ng isang source mula sa Commission on Elections (Comelec) na nagdesisyon na ang en banc na gamitin ang mixed automated election system (AES) para sa 2016 polls.

Una nang inirekomenda ng Comelec Advisory Council sa poll body ang paggamit ng AES.

Kabilang sa mga teknolohiyang inirekomenda ng CAC ang Optical Mark Reader (OMR) system, at Direct Recording Electronic (DRE) bilang secondary technology; at ang internet voting para sa mga overseas Filipino worker (OFW).

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

“In principle, it has been decided to use the mixed technology. It is not a total adoption but we are basically following the CAC recommendation, although there will be some modifications,” ayon sa source.

“We will still use the PCOS but we will also look for a second technology that will be acquired through public bidding,” dagdag ng Comelec insider.

Ayon pa sa source, itinuturing na compatible ang pangalawang teknolohiya sa mga PCOS machine.

Sa hiwalay na panayam, ipinaliwanag ni Comelec Spokesman James Jimenez na inirekomenda ng advisory council ang muling paggamit ng PCOS machine dahil pamilyar na rito ang mga botante.

Nang tanungin ng mga mamamahayag kung bakit kailangan pang gumamit ng iba pang voting technology, sinabi ni Jimenez na mas mainam na buksan na rin ang pinto ng Comelec sa iba pang magagamit na voting technology.

Para sa eleksiyon noong 2013, bumili ang Comelec ng 80,000 PCOS unit mula sa Smartmatic International sa halagang P1.8 bilyon. - Leslie Ann G. Aquino