Isang 52-anyos na family driver ang namatay nang pagsasaksakin ng apat na holdaper habang ang biktima ay papasok sa trabaho sa Sta. Cruz, Manila kahapon ng madaling araw.

Isang tama ng saksak sa dibdib, kaliwang bahagi ng katawan, kaliwang braso at puwitan ang ikinamatay ng biktimang si Benedicto Dela Cruz, ng 1045 P. Guevarra Street, Sta. Cruz, Manila.

Lumilitaw sa imbestigasyon ni SPO3 Glenzor Vallejo, ng Manila Police District-Homicide Section, dakong 4:00 ng madaling araw nang maganap ang insidente sa panulukan ng Fugoso at Natividad Streets, sa Sta. Cruz.

Sa salaysay sa pulisya ng testigong si Albert Jovinal Jr., 35, security guard, nabatid na naglalakad ang biktima papasok sa kanyang trabaho nang lapitan ito ng apat na hindi nakilalang suspek at kaladkarin ang biktima sa isang madilim na bahagi ng lugar at saka nagdeklara ng holdap.

National

PCO, pinasalamatan Kamara sa pag-apruba ng ₱2.281B proposed budget sa 2025

Narinig pa umano ni Jovinal ang biktima na nagsasabing ‘wala akong pera, wala akong pera,’ bago pinagsasaksak ng mga suspek.

Mabilis namang tumakas ang mga suspek matapos ang krimen dala ang backpack ng biktima, na idineklarang dead-on-the-spot.