Ipinagdiriwang ngayon ng Vietnam ang kanilang Pambansang Araw. Ginugunita ng okasyon ang proklamasyon ni Ho Chi Minh ng Declaration of Independence sa Ba Dinh Square sa Hanoi, ang kapital ng naturang bansa, noong 1945.

Ang bansang ito sa Indo-China Peninsula sa Southeast Asia, ay nasa hangganan sa hilaga ng Cbina, sa hilaga-kanluran ng Laos, sa timog-kanlurang Cambodia, at sa silangan ng South China Sea. Ang Vietnam ay may populasyon na mahigit 90.3 milyon. Magiliw ang ugnayan ng Pilipinas at Vietnam. Binuksan sa Vietnam ang embahada nito sa Manila noong 1976, at pagkaraan ng isang taon, nagbukas naman ang Pilipinas ng embahada nito sa Hanoi. Mula noon, nagkaroon na ng mga pagbisita sa isa’t isa ang pangunahing mga opisyal ng dalawang bansa.

Noong Hulyo 3, 2014, bumuo ang Pilipinas at Vietnam ng isang joint commission upang mapaigting ang kanilang ugnayan. Ipinahayag ito sa pagbisita ni Foreign Secretary Albert F. Del Rosario sa kanyang katapat sa Vietnam noong Hulyo 2, 2014. Sa pagpupulong, tinalakay ang iba’t ibang isyu at kooperasyon sa fisheries, ocean and maritime fields, defense and security, partikular na ang lumalagong tensiyon sa South China Sea, kalakalan at pamumuhunan.

Binabati natin ang mga mamamayan at pamahalaan ng Vietnam sa pangunguna nina Pangulong Truong Tan Sang at Prime Minister Nguyen Tan Dung, sa okasyon ng kanilang ika-69 Pambansang Araw.

National

VP Sara sinabing si Romualdez ang gustong pumatay sa kaniya