Bea-Jake-copy

SOBRA-SOBRA ang pagmamahal ni German “Kuya Germs” Moreno sa alagang si Jake Vargas. Ginagawa niya ang lahat para sa showbiz career ng young actor. At kung dati ay hindi pasado kay Kuya Germs si Bea Binene bilang ka-love team ni Jake, ngayon ay gano’n na lang ang suportang ibinigay niya sa dalawa.

Maging sa pelikulang Liwanag sa Dilim na pagbibidahan nina Jake at Bea at early next year pa ipapalabas, ngayon pa lang ay sobrang aligaga na rin sa pagpo-promote ang Master Showman.

Sa radio show niya sa DZBB, panay na ang banggit ni Kuya Germs sa naturang pelikula. Nagdududa tuloy ang mga kasamahan namin na baka siya ang producer ng movie.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Oras-oras kung tawagan ni Kuya Germs ang supporters nina Bea at Jake na tulungan siyang ikalat ang balita tungkol sa pelikula ng dalawang Kapuso stars. Sey pa ni German, ngayon pa lang ay dapat nang bugbugin sa social media at ipa-trending na para pagsapit ng showing ng pelikula ay maging blockbuster ito.

Aminado si Kuya Germs na lumalakas ang tambalang James Reid at Nadine Lustre pero naniniwala siya na iinit din ang tambalan nina Jake at Bea.

Dagdag pa ni German Moreno, kung ang tambalang James at Nadine ang sinasabing pantapat sa tambalan naman nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo ay hindi malayong makadikit sa dalawang tambalan ang team-up naman nina Jake at Bea.

Parehong nasa Kapamilya Network ang KathNiel at JaDine samantalang bukod tanging ang tambalan nina Jake at Bea ang solid young love team ngayon sa Kapuso Network, kaya malaki raw ang tsansa, huh!