Setyembre 2, 1902 nang i-release ang unang science fiction na pinamagatang “A Trip to the Moon”. Isa itong 14-minutong video na idinirehe ng French master magician na si Georges Melies (1861-1938). Ang silent film ay isang satire na bumabatikos sa scientific community nang panahong iyon.

Ito ang bersiyon ni Melies ng “From the Earth to the Moon” ni Jules Verne noong 1865, at ng “First Men in the Moon” ni H. G. Wells noong 1901. Ito ang ika-400 pelikula ni Melies at ang pinakakilalang nagawa niya.

Ang pelikula ay ginastusan lang ng 10,000 francs, pero naging matagumpay. Bukod sa pagdidirehe, si Melies din ang scriptwriter, bida, set designer, wardrobe designer, photographer at producer ng pelikula.

Ang lunar capsule na lumalapag sa buwan, gaya ng ipinakita sa pelikula, ay naging popular sa kasaysayan ng pelikula. Nakapag-produce si Melies ng mahigit 500 short film.

National

Pahayag ni VP Sara, ‘active threat’ sa buhay ni PBBM — Malacañang