Inihayag ng Food and Drug Administration (FDA) ang boluntaryong pagbawi sa merkado ng ilang batch ng popular na eye drop na Eye-Mo Red Eyes Formula.

Batay sa FDA Advisory No. 2014-066, mismong ang GlaxoSmithKline Philippines, ang nagpatupad ng recall sa produkto nitong Tetrahydrozoline HCl 0.05 percent Ophthalmic Solution (Eye-Mo Red Eyes Formula) na may Registration Number DRHR-431.

Ito ay bilang tugon umano sa pahayag ng non-compliance sa Good Manufacturing Practice (GMP) na inisyu ng Italian Medicines Agency (AIFA) sa Societa Italiana Medicinali Scandicci, srl. (SIMS), na may gawa ng active pharmaceutical ingredient na Tetrahydrozoline HCl, na pangunahing sangkap ng nasabing eye drops.

National

PNP, nakasamsam ng tinatayang <b>₱20B halaga ng ilegal na droga sa buong 2024</b>